Porkchop-kinatay na baboy

Noong isang araw ay kumakain ang aming pamilya sa Italianni’s (isang tanyag na Italyanong kainan) nang makarinig ako ng isang nakakatawang bagay. Ang tagapaghatid ng pagkain ay pumunta sa aming mesa at hiningi ang aming oorderin. Kumakain ako noon ng tinapay na sinawsaw sa suka at langis ng “olive” nang sabihin ng aking ina na oorder kami ng ”Porkchop”. Nagorder pa kami ng tinapay na kung tinatawag nila ay Tuscan, ng isang plato ng “Kalamares” at pakwang ginawang inumin nang nagpahabol ang waitress: “Mam, shall be chop the…. Porkchop?” Opo, tumigil siya bago niya sinabi iyon at bigla lang tumawa ang aking kapatid. Chop the Porkchop, iyon ay isang bagay na napakanakalilito kapag sinabi… Wala lang…. malapit na palang mag-Pasko… Maligayang Pasko….

-Juan Crisostomo Ibarra

Leave a Reply