YESSSSSSSSS!!! Maari ko nang burahin ang aking “bagong” blog sapagkat nahanap ko na ulit ito! Yay naman… Sabog ata yung kompyuter ko eh. Hmm, wala pa masyado laman ito, pero dadagdagan ko na, isinusumpa ko yan mwahahahahahah…. Sa mga dating Camia pati na rin sa mga hindi Camia, wag kalimutan bisitahin ang POSTULATES at magcomment! Wag niyo lang ihack.
Sabado, wala ako magawa. Di ako nakapunta ngayon sa bahay ni Dan para sa pageensayo namin sa Ramayana, nakakainis… Alas otso na ako nagising at naalala ko na may pasok nga pala ako sa Makati (NCF) mula alas nuwebe hangaang alas Dose. Syempre, nagmadali ako, at nakalimutan ko pa ang aking Gawaing Bahay (HW) na naalala ko lang noong nasa Magallanes na ako, ang galing! Sa aming lahat sa klase, ako lamang ang wala pa sa gulang at lahat sila ay mga dalawamput taong gulang at pataas, nakaka OP. Kaunti lang ata pumasok sa utak ko kasi syempre, antok na antok na talaga ako, buti nalang madadali yung mga napupunta sa aking mga tanong hahahaha. Pagkatapos na pagkatapos nun, dumiretso kami sa barberya… Nakakainis, ayaw ko pa magpagupit. Gutom na gutom na ako paguwi, buti nalang masarap yung ulam, yehey, NILAGA (bakit pumasok sa utak ko ang Sinigang?) (shinigan pala ang hapon ng sinigang hahahaha) at may keyk pa dahil kaarawan ng ate ko kahapon, yay! nakakainis parin, di ako nakapunta sa praktice, masaya panaman ang mga praktice sa bahay ni Dan (diba Val Ed groupmates? mwahahahahaha).
Gusto ko ulit matuto maggitara, nagaral ako dati pero nakalimutan ko na ata lahat ng natutunan ko eh… Nakakainis, kailangan ko panaman to para sa Soc Sci namin. Ang sakit parin ng tuhod ko, nadulas ako kahapon habang naglalaro ng “sting” at sandamukal na ata mga pasa ko… At sa iba pang balita, walang Bleach Manga sa linggung ito,
( sayang yun panaman hinihintay ko, okay lang, maganda naman yung Naruto ngayon eh, astig si Pein hahahaha.
At para sa mga Magnesium:
Mga Gawaing Bahay natin:
-Sanaysay sa Filipino (final draft) ay inaasahan ni Ginoong Gonzales sa Lunes.
-Lab Report sa Kapnayan (Chemistry), parehong eksperimento, ay inaasahan ni Ginoong Manoop sa Lunes.
-Ang Grupo ng Suliranin (problem set) sa sangay ng Sipnayan na tumatalakay sa mga katangian at paggamit ng tatsulok at bilog (Trigonometry) ni Ginoong Tacuboy ay makukuha na sa Lunes at mayroon tayong hangaang Biyernes upang ito ay tapusin (ngunit habang dumadami ang araw na lumilipas ay nagkakaroon daw ng bawas sa marka)
-Mga Grupo sa Pananaliksik Ukol sa Agham at Teknolohiya (STR) na nakausap na ni Binibining Barrer ay dapat magpasa ng kanilang mga Inakmang Dagliang Pananaliksik (edited Research Brief) sa Martes hangaang hatinggabi.
-Sa mga mag-aaral ng Pamamaraang Panlaboratoryo (Lab Tech), ang mga sagot sa mga tanong ay nakatakdang ipasa sa Huwebes kay Ginoong Espinas.
* Kung mayroon pa kayong nais idagdag o baguhin sa listahan ng ating Gawaing Bahay, ako’y maaari ninyong maabot gamit ng YM o aking “cellphone” (sa mga may nakakaalam ng “number” ko).
-Nagmamahal (ang krudo)
Juan Crisostomo Ibarra.
WAG KALIMUTANG PUNTAHAN ANG POSTULATES
(sorry kung may “typo” sa “post” ko)

yun lang po.